^

Metro

Bus hinoldap ng 2 bagets

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pampasaherong bus ang hinoldap ng dalawang binatilyong suspect at kinulimbat ang gamit at pera ng may 20 pasahero nito sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ang hinoldap na bus ay ang BOTSC (UWC-225) na may biyaheng Novaliches-Alabang na minamaneho ni Edwin Alfaro, 30.

Sinasabing nagdeklara ng holdap ang mga suspect sa kahabaan ng EDSA partikular sa may harap ng Phil-Am Homes sa lungsod, ganap na alas-10:30 ng umaga.

Bago ito, ayon kay Victorinao Baroro, 40, pagkasakay umano ng mga suspect sa Phil-Am Homes ay agad ding nagdeklara ang mga ito ng holdap. Sinasabing hindi na nagawang umupo ng mga suspect at agad na tinutukan ng patalim ang driver saka inambahan ng tutok ang mga pasahero nito.

Nang makuha ang kanilang pakay sa mga pasahero, mabilis na bumaba ang mga suspect sa nasabing lugar at tumakbo papalayo sa hindi mabatid na direksyon.

Matapos nito, agad na nagdesisyon ang driver na si Alfaro na dumiretso sa himpilan ng Police Station 10 para mag­reklamo.

vuukle comment

ALFARO

EDWIN ALFARO

ISANG

MATAPOS

PHIL-AM HOMES

POLICE STATION

SINASABING

VICTORINAO BARORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with