Motorsiklo vs truck: 1 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines - Isang rider ang nasawi habang kritikal naman ang angkas nito matapos makabanggaan ang isang dump truck sa isang intersection sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Dead-on-the-spot sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Celso Ramos, 25, ng Villanueva St., Pasay City. Ginagamot naman sa President Diosdado MacaÂpagal Memorial Medical Center ang angkas nito na si Christopher Toneres, 21 at kalugar ng nasawi. Nasa custody naman ng pulisya si Manuel Liwanag, 51, ng San Miguel Bulacan at driver ng dump truck (RJF-678). Naganap ang insidente dakong alas-12:15 ng madaling-araw habang lulan ang mga biktima ng Kawasaki (9562-HX) at binabagtas ang Rizal Avenue Ext. at pagsapit sa kanto ng 7th Avenue ay nakabanggaan ng mga ito ang dump truck ng suspect. TumiÂlapon ang mga biktima at napuruhan ang nasawi habang sumuko naman sa pulisya si Liwanag.
- Latest