Pari sinapak ng senglot
MANILA, Philippines - Idinulog na sa himÂpilan ng Manila Police District ang reklamo ng 46-anyos na pari na sinasabing sinapak ng senglot na lalaki sa kalagitnaan ng halalan noong Lunes ng Mayo 13.
Sa ulat ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) kakasuhan ng serious neglect of duty sa National Police Commission at sa pre-charge evaluation section ng MPD ang isa sa mga pulis na si PO3 Arnel Aranas Joson, naÂkatalaga sa MPD-station 4 habang ang iba pang pulis na nakatalaga Lopez Jaena EleÂmentary School noong eleksyon na nabigong umaksiyon sa reklamo ng pari.
Sa salaysay ni Rev. Joebert Fernandez, paÂrish priest ng Most Holy Trinity Parish Church sa Calabash Road, Balic-balic, Sampaloc, bandang alas-7:45 ng gabi noong Mayo 13 ay sakay siya ng FX kasama ang kaniyang sakristan na si Mark Anthony Echanez at iba pang volunteers para magdeliber ng pagkain sa iba pang PPCRV volunteer.
Hinarang ng suspek na si Joel Bañez ang likuran ng sasakyan ng pari kaya hindi ito makaatras kung saan nagsisigaw at nagmumura ang senglot na susÂpek.
Nang bumaba ang pari para magpakilala ay sinuntok ng lasing na suspek kaya humingi ng saklolo ang saksristan sa mga nakatalagang pulis subalit hindi umano pinansin.
Sa halip, ang sakÂristan ang umawat sa suspek at nang lumapit ang mga pulis ay mabilis na itinurn-over dahil sa panununtok sa pari.
Subalit sa hindi maÂipaliwanag na dahilan ay nakawala ang suspek kung saan nainÂsulto pa ang pari nang sabihan ni PO3 Joson na hindi nila nadakma ang suspek.
- Latest