Pulis-Maynila isinabit sa holdapan
MANILA, Philippines - Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at maÂkasuhan ang isang pulis-Maynila at kaÂsabwat nito matapos inguso ng 24-anyos na helper ng fashion shop sa kasong panghoholdap sa bahagi ng Paco, Maynila noong Miyerkules ng umaga (Mayo 15).
Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Reggie Dominguez Y Valbuena, 33, ng MPD-District Support Unit at residente ng #1228 Mataas na Lupa, Paco at Jason Paliza ng nasabing lugar.
Ang dalawa ay poÂsitibong itinuro ni Joel Panancio ng #119 Bldg. 924 Vitas, Tondo, Maynila at namamaÂsukan sa SR Fashion sa Pedro Gil Street, Paco, Maynila.
Sa ulat ni PO1 Ryann Paculan, inireklamo sa himpilan ng pulisya ng operation manager ng SR Fashion na si Salim Liah, 40, Bangladeshi ang kanilang helper na sinasabing tumangay ng P.2 milyong cash noong Miyerkules ng umaga.
Nabatid na pinagkaÂtiwalaan ni Liah ang kaÂnilang helper na idiÂpoÂsito sa Western Union ang malaking halaga subalit nang bumalik ay nagsabing naholdap siya ng 2-lalaki na sakay ng pulang van.
Sa masusing imbesÂtigasyon ng pulisya ay umamin na si Panancio na kasabwat niya sa pagkawala ng malaÂking halaga sina PO1 Dominguez at Paliza.
Dismayado naman ang may-ari ng SR Fashion na si Masud Alam Milon, 35, Bangladeshi dahil sa naganap na krimen.
- Latest