^

Metro

Delivery boy, itinumba sa Malabon

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang delivery boy  nang malapitang barilin  ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang suspect sa Malabon City kahapon.

Dead-on-spot ang biktimang si Ramil Ultar, 39, ng  A. Bonifacio St., Brgy. Baitan ng nasabing lungsod sanhi ng isang tama ng kalibre .45 sa ulo.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect matapos ang isinagawang krimen.           

Base sa imbestigasyon ng Malabon City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:25 ng madaling-araw sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar.

Nabatid na sakay ang biktima ng Kawa­saki ice delivery tricycle (7003-TP) nang lapitan ng mga  suspect at isa ang bumunot ng baril at pinaputukan sa ulo ang una.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga pulis  at inaalam pa ang motibo sa nasabing insidente.

 

BAITAN

BONIFACIO ST.

BRGY

KAWA

MABILIS

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

RAMIL ULTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with