P25-M pekeng yosi, seasoning nasabat
MANILA, Philippines - Umaabot sa P25 milyong halaga ng mga pekeng sigaÂrilyo na nakaimbak sa bodega ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa panulukan ng Padre Rada at Elcano Sts., sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, may natanggap silang report hinggil sa isasagawang delivery ng mga sigarilyo kung kaya’t agad na umalerto ang mga awtoridad at pinigil ng Customs Intelligence.
Kabilang sa mga nakumÂpiska ang 300,000 pakete ng Marlboro at 5,000 pakete ng Winston.
Nakuha rin ang 432 kahon ng Knorr Sinigang Mix at 23 kahon Maggi Magic Sarap na pawang mga peke. Nabatid kay Biazon na galing China ang kontrabando.
Inaalam na ng Customs kung sino ang may-ari ng kontrabando at kung paano ito nakalusot sa Aduana.
- Latest