Obrero utas sa kabaro
MANILA, Philippines - Patay ang isang construction worker makaraang barilin ng kasamahan dahil sa matagal ng alitan sa kanilang trabaho sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.
Si Charlie Yambut, 38, ay nagawa pang maÂitakbo sa ospital pero hindi na rin umabot pang buhay dahil sa tama ng bala sa katawan.
Ayon kay PO2 Julius Balbuena, agad namang tumakas ang suspect na si Arnel De Ocampo, matapos ang isagawang krimen.
Nangyari ang insiÂdente sa may Pablo St., Purok 7, Brgy. NagkakaÂisang Nayon, sa lungsod ganap na alas-7 ng umaga.
Ayon kay Marvin YamÂbut, kapatid ng biktima, nagpapakain siya ng maÂnok malapit sa lugar nang makarinig ng putok ng baril mula dito.
Agad niyang tinignan ang pinangyarihan ng putok kung saan naabutan niya ang kapatid na duguang nakahandusay sa lapag habang nakaÂtayo mula rito ang suspect.
Sinasabing nang maÂkita umano ng suspect si Marvin ay tinutukan pa siya nito ng baril, bago mabilis na tumakas sakay ng bisikleta.
Nang makaalis ang susÂpect ay saka isinugod ni Marvin ang kapatid sa Nova District hospital, pero idineklara rin itong dead on arrival.
Sabi ni Balbuena, base sa kanilang nakuhang imÂpormasyon, may dati na umanong alitan ang biktima at suspect dahil sa tsismis na kapwa nagbibintangan umano ang mga ito na sipsip sa kanilang amo.
Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.
- Latest