^

Metro

Nakawan sa Ombudsman, bubusisiin

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pamunuan ng Quezon City Police District hingil sa umano’y nakawan na naganap sa isang sto­rage room ng tanggapan ng Ombudsman kung saan tinangay ang mga piraso ng office supplies, ayon sa ulat kahapon.

Tatlong cartridges ng printer na nagkakahalaga ng P18,000 ang nadiskubreng nawawala mula sa ikalawang palapag ng stockroom nitong nakaraang Martes ng umaga.

Ayon sa ulat, ang nasa­bing insidente ay ang pinaka-latest sa serye ng umano’y pagnanakaw sa ahensya, partikular sa general servi­ces office.

Ito ay base sa pahayag ni Willy Mesa, 31, GSO’s administrative officer na nag­ sabi na limang cartridges ng printer na nagkakahalaga ng P30,000 ang nadiskubreng nawawala noong nakaraang May 6.

“Nalaman kasi ng admi­nistrative officer na mayroon pang mga dating pangyayari ng pagnanakaw, kung kaya regular siyang nagsagawa ng inventories sa tanggapan ng supplies,” sabi pa ni Marinas.

Nabatid pa ng awtoridad nang magsimula ang buwan ng May, tatlong inventories ang ginawa nito para tsekin kung aling supplies ang nawawala.

Ito rin ang nagtulak para magpakabit ang opisyal ng  surveillance camera sa loob ng stock room noong May 8 nang hindi batid ng ibang empleyado.

Ganap na alas-7:15 ng madaling-araw noong May 11, nakita sa video footage ang isang lalaki na bumababa buhat sa kisame ng sto­ rage room.

Nitong Martes ng umaga, tatlong printer cartridges ang nadiskubre ng isang custodian na nawawala mula sa stock room.

Dalawang janitors na na­­ka-duty noong nakaraang linggo ang kinokonsidera nga­­­yon ng awtoridad na sus­pect sa pagnanakaw dahil tanging sila lamang umano ang may access sa loob ng stock room.

Dagdag pa ni Marinas, isa sa mga naka-duty na janitor ang sinasabing humiram pa ng susi ng stock room’ sa isang security guard nitong nakaraang May 11.

 

AYON

DAGDAG

DALAWANG

GANAP

NITONG MARTES

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

WILLY MESA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with