^

Metro

P.5-M reward sa ‘tiktik’ ng PDEA

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang confidential informant ang tumanggap ng P500,000 reward mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), dahil sa pagbibigay ng impormasyon na nagresulta sa pagkakabuwag ng isang malawak na lupain na taniman ng marijuana sa tri-boundaries ng Ilocos Sur, La Union at Benguet.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo­ G. Cacdac, Jr. si Alyas “Jun”, ay halimbawa lamang umano ng maraming taong nagnanais na tumulong sa kanilang ahensya para tuluyan nang mapuksa ang problema sa iligal na droga.

Si Jun ay kabilang sa nagbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng Operation: Private Eye (OPE), isang tang­gapan na nagbibigay ng reward at incentive sa mga pribadong mamamayang nagbibigay ng impormasyon sa pinaghihinalaang aktibidad ng illegal na droga sa kanilang komunidad.

“The informant was responsible for the discovery of 70 marijuana plantation sites found along the boundaries of Sugpon, Ilocos Sur; and Kibungan, Benguet, with an esti­mated total land area of 31,546 square meters,” sabi ni Cacdac.

Sa isinagawang operasyon, may kabuuang 172,545 piraso ng mga tanim na marijuana at 263,820 marijuana seedlings ang binunot; 7,000 gramo ng dried marijuana leaves; at 500 gramo ng marijuana seeds ang nakumpiska at winasak.  Ang malawakang pagsunog sa iligal na tanim ay nagkakahalaga ng P45,369,300.

 

ALYAS

BENGUET

CACDAC

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ILOCOS SUR

LA UNION

PRIVATE EYE

SI JUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with