Ipinatalo sa sugal Koreano himas-rehas sa paglustay ng P13-M
MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsaÂkan ng isang Koreano maÂÂkaraang hindi makaÂyanan ng konsensya ang paglusÂtay ng higit P13 milyong pera ng pinapasukang kom panya nang aminin sa pinaka-amo nito na ipinaÂtalo niya ang pera sa casino, kahapon sa Pasay City.
Kasong qualified theft ang isinampa ni Kim Sang Yoon, may-ari ng Pink Dolphin Company sa tauhan na si Shin Yun Jae, maÂnaÂger ng kompanya.
Sa ulat ni PO3 RoÂdolfo Suquina, tumatayong maÂnager ng naturang kompanya ang suspek at pinagkakatiwalaang humawak ng malaking halaga ng saÂÂ lapi bilang pondo ng kompanya na kanilang ipiÂnapautang sa kapwa nila Korean national na nagnanais magsugal o nauubusan ng pera.
Inamin naman ni Jae sa amo na naubos na niya ang laman ng kaha ng kanilang kompanya na aabot sa P13,517,000 na personal niyang ginamit sa pagsusugal. Sa kabila ng pagÂhingi ng tawad, agad na tuÂmawag ng mga tauhan ng Pasay Police si Kim at ipinakulong si Jae.
- Latest