^

Metro

Incumbents pa rin sa Eastern Metro Manila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa Eastern Metro Manila, nananatiling malakas ang kapit sa mga botante ng mga “ incumbent  na politiko makaraang muling mahalal sa puwesto ang mga ito.

Patuloy na tatawaging “Erap country” ang lungsod ng San Juan makaraang iproklama  si incumbent Mayor­ Guia Gomez. Naka­kalap si Gomez ng 33,994 na 97.5% sa kabuuang mga boto na malayung-malayo sa kanyang mga karibal.

Nagwagi rin naman ang anak ni Senador Jinggoy Estrada na si Janella Estrada bilang konsehal ng lungsod habang tinalo ni Ronnie Zamora ang isa pang pinsan ng mga Estrada na si Janel Estrada sa pagkakongresista.

Naiproklama na rin si incumbent Mayor Benhur Abalos sa Mandaluyong City at maging si Rep. Neptali Gonzales II.  Sa pinakahuling datos buhat sa Comelec database ng resulta ng halalan dakong alas-3:06 kahapon ng hapon, nakakalap si Abalos ng 62,273 boto habang malayo ang katunggaling si Danny De Guzman na meron lamang 28,621 boto.

Sa Marikina, sa pinakahuling datos ng Comelec, nakakalap si incumbent Mayor Del De Guzman ng 106,358 boto habang ang pinakamalapit na naghahabol na si Felipe Evangelista ay meron lamang 2,476 na boto.

Sa Pasig City, naiproklama na rin si Maribel Eusebio, misis ni outgoing Mayor Robert Eusebio bilang bagong alkalde ng lungsod.  Higit dalawang dekada nang pinamamahalaan ng pamilya Eusebio ang lungsod mula nang maluklok si Vicente Eusebio noong 1992, pinalitan ng misis na si Soledad bago ang anak na si Robert.

COMELEC

DANNY DE GUZMAN

FELIPE EVANGELISTA

GUIA GOMEZ

JANEL ESTRADA

JANELLA ESTRADA

MANDALUYONG CITY

MARIBEL EUSEBIO

MAYOR BENHUR ABALOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with