Mga nanguna sa CAMANAVA
MANILA, Philippines - Sa area ng Caloocan, MaÂlaÂbon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA), prinoklama na kahapon ng City Board of Canvassers bilang maÂyoralty re-electionist si incumbent Mayor John Rey Tiangco sa Navotas City.
Base sa lumabas na reÂsulta, nabatid na sa 100 porÂsiyento presinto muling naÂnaÂlong alkalde si Tiangco ng naturang lungsod at nagkamit ito ng botong 60,277 at tinalo nito ang kanyang nakatunggaling si Patrick Joseph Javier na nagtamo naman ng botong 29,387. Ang kapatid naman nitong si Toby Tiangco ay muÂling nahalal bilang congressman ng naturang lungsod at kaÂsama ito sa prinoklama kahapon.
Nagtamo ng 69,107 boto si Toby at tinalo nito ang nakalabang si Atty. Rico Jose de Guzman, na nakakuha naman ng botong 17,084 at kasama din sa prinoklama bilang bise alkalde ng naturang lungsod si Clint Geronimo.
Samantala sa Caloocan at Malabon City ay pansamanÂtalang sinuspinde ang canvassing dahil nagkaroon ng aberya o kapalpakan ang opeÂrasyon ng ilang comÂputers dito. Nabatid na 93 porsiyento na ang nabibilang sa lungsod ng Caloocan at hinihintay pa ng mga Board Canvassers ang iba pang CF cards.
Sa partial na resulta sa pagka-alkalde sa Caloocan City ay lamang si Oca Malapitan, ito ay may botong 201,852, samantalang ang anak ni Mayor Enrico Echiverri na si RJ ay may botong 139,064. Si Maca Asistio naman ang lamang sa pagka-bise alkalde, na may botong 99,01 at si Tito Varela ay may botong 94,295.
Samantala, sa unang distrito ng naturang lungsod, sa pagka-congressman ay lamang si Mayor Echiverri, na may botong 113,378 at si Along Malapitan ay nagtamo naman ng botong 102,124 at sa ikalawang distrito naman ay nagtamo ng 49,611 na boto si Vice Mayor Edgar Erice at lamang ito kumpara kay Congresswoman Mitch Cajayon, na may botong 43,455.
Napag-alaman na kaya pansamantalang sinunspinde kahapon ang canvassing sa Malabon City dahil sa malÂfunctioning ng ilang computer dito, subalit si Mayor Antolin “Len†Oreta III ay walang kalaban sa pagka-alkalde, gayundin ang tumatakbong congresswoman dito na si Representative Jaye Lacson.
Nabatid, na ang naturang mga resulta sa Caloocan at Malabon ay hindi opisyal ito ay partial lamang.
Samantala, sa Valenzuela City area, nabatid na sa pagka-alkalde ay lamang si Rex Gatchalian sa katunggaling si Adel Guinigundo na maybahay ni Magi. Nakabawi naman si Magi sa katungaling si Shalani Soledad sa pagkongresista sa ikalawang distrito ng lungsod habang nasa una si Sherwin Gatchalian sa kalaban na si Richie Cuadra sa unang distrito.
- Latest