^

Metro

Erap wagi na mayor sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang iprinoklama ng Commission on Elections­ (Comelec) si dating pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada bilang bagong­ alkalde ng lungsod ng Maynila, kahapon ng umaga.

Ito’y matapos mabilang ng City Board of Can­vassers ang 96% ng mga boto sa lungsod kung saan  agad na iprinoklama si Erap ng United Nationalist Alliance­ (UNA) na naka­kuha ng 343,993 boto.

Tinalo ni Estrada sa lamang na 35,449 boto si incumbent Mayor Alfredo Lim ng Liberal Party (LP) na may botong 308,544.

Samantala, naiprok­lama na rin naman ang running mate ni Estrada na si Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso bilang vice mayor-elect ng Maynila.

Si Domagoso ay wagi laban­ sa kanyang nakatunggali na si Lou Veloso, sa lamang ng mahigit 100,000 boto.

Nagpasalamat naman si Estrada sa mga Manilenyo na nagbigay ng tiwala sa kanya na sila ay mapag­lingkuran.

CITY BOARD OF CAN

ERAP

ISKO MORENO

LIBERAL PARTY

LOU VELOSO

MAYNILA

MAYOR ALFREDO LIM

SHY

SI DOMAGOSO

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with