^

Metro

Pagkatapos ng botohan, MMDA nanguna sa linisan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) at environmental group na Eco-Waste Coalition sa paglilinis sa mga polling precincts sa tone-toneladang basura na inaasahan na ma­iiwan pagkatapos ng halalan kahapon.

Nasa higit 1,000 tauhan ng MMDA ang ikinalat kahapon sa iba’t ibang paaralan para agad na maglinis sa labas ng mga paaralan kung saan pinakamarami ang ba­sura dahil sa ibinibigay na mga sample ballots at iba pang parapernalya ng mga taga­suporta ng mga kandidato.

Sinabi ni MMDA asst. general­ manager for ope­rations Emerson Carlos na dakong alas-3 ng hapon nag-umpisang kumalat sa mga paaralan sa Metro Manila ang mga tauhan ng Metro Parkway Clearing Group at kanilang mga dump trucks.

Katuwang naman ng Eco-Waste Coalition ang mga volunteers buhat sa Ms. Earth Foundation at nakipag-ugnayan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa sarili nilang “clean-up drive”.

Target ng grupo na kolek­tahin ang mga hindi nabu­bulok na basura tulad ng mga tarpaulins at mga plastic na nagbabara sa mga daluyan ng tubig.

Umapela ang grupo sa mga lokal na pamahalaan lalo na ang mga opisyal ng barangay na manguna rin sa paglilinis sa kanilang mga lugar.

 

ECO-WASTE COALITION

EMERSON CARLOS

METRO MANILA

METRO PARKWAY CLEARING GROUP

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MS. EARTH FOUNDATION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with