Ginang patay sa ligaw na bala
MANILA, Philippines - Isang ginang ang nasawi makaraang tamaan ng mga ligaw na bala habang natutulog matapos na pagbabarilin ng isa sa tatlong suspect ang isang kaanak at kaibigan nito na nagkukuwentuhan sa isang kubo sa gilid ng kanilang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang nasawi na si Luisa Bartolabac, 51, na tinamaan ng ligaw na bala sa magkabilang hita. Habang sugatan naman sina Edward Bartolabac, 24, at Mike Anthony Perez, 24, na ginagamot ngayon sa East Avenue Medical Center bunga ng tama ng bala sa kanilang katawan.
Ayon sa pulisya, pakay ng naturang pamamaril ang mga biktimang sina Edward at Perez, subalit nadamay lamang umano sa insidente si Luisa.
Samantala, dalawa sa tatlong mga suspect ang tinukoy ng awtoridad sa pangalang “Elias Tadeo†na ngayon ay target na ng manhunt operation ng awtoridad.
Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa isang kubo na malapit sa harap ng bahay ng mga biktima partikular sa 714 P. Laurel St., Extension, Commonwealth Heights, Brgy. Commonwealth, ganap na alas-7:30 ng gabi.
Ayon sa saksing si Jericho Tan, nagkukuwentuhan silang tatlo nila Eduardo at Perez nang dumating ang mga suspect, kung saan isa sa mga ito na may dalang baril at nagpaputok sa ere.
Sabi ni Tan, sa takot na may mangyaring masama sa kanyang buhay, agad siyang nagtatakbo palabas ng kubo at nagtago sa kanilang bahay. Ilang minuto, nakarinig na lamang umano si Tan ng mga putok ng baril sa labas ng kanilang bahay, dahilan para silipin niya ito.
Dito ay nakita na lang niya ang mga biktima na duguang nakahandusay sa lupa habang ang mga suspect naman ay mabilis na nagsitakas patungong Soliven St.
Sa kabilang banda, ang biktimang si Luisa na noon ay natutulog sa loob ng kanilang bahay ay nalamang nagtamo ng tama ng ligaw na bala sa magkabilang hita at isinugod sa FEU Hospital, pero idineklara rin itong patay.
Patuloy ang follow-up operation ng awtoridad sa naÂsabing insidente habang inaalam din ang posibleng motibo sa isinagawang pamamaril.
- Latest