^

Metro

Bangkay ng dating guro nadiskubre

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng 74-anyos na dating guro sa pampublikong paaralan ang nadiskubreng wala ng buhay, habang nakahiga sa loob ng kaniyang inuu­pahang silid, sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sinasabing ang masangsang na amoy ang na­ging dahilan upang  puwersahang buksan ng caretaker ang silid ng biktimang si Osbaldo Mendoza, dating guro sa Osmeña High School, na nag-iisa sa kanyang inookupahang silid sa no. 1044 J. Solis­ St. Tondo, Maynila.

“Hindi na ho ako makatiis sa napakabahong amoy nanggagaling sa kanyang kuwarto kaya napilitan akong humingi ng tulong sa isa naming barangay kagawad para mabuksan ang pinto ng kanyang kuwarto­. Ayun nakita ko namamaga na ang kanyang katawan na nakahiga sa upuang rattan,” ani Noli Esmundo, caretaker ng gusali.

Sinabi ni SPO2 Benito Cabatbat, ng Manila Police­ District-Homicide Section, ayaw nang pa­im­bestigahan ng mga kaanak ang pagkamatay ng guro dahil sa katandaan umano ito namatay at walang foul play.

Wala rin namang sugat o palatandaan na pinahirapan ang katawan ang matanda.

vuukle comment

BENITO CABATBAT

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

HIGH SCHOOL

MANILA POLICE

MAYNILA

NOLI ESMUNDO

OSBALDO MENDOZA

SHY

ST. TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with