^

Metro

25 partylist and sectoral groups, nagsama-sama para kay RJ Echiverri

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa unang pagkakataon, nagsama-sama ang lahat na mga sector at partylist groups upang suportahan ang kandidatura ni Ricojudge “RJ” Echiverri ng Liberal Party sa pagka-mayor ng Caloocan City. Pinangunahan ni Echiverri ang isang Multi-Sectoral Con­vergence Meeting sa Bagong Silang Caloocan City na dinaluhan ng Pilipinos With Disabilities, Sanlakas, Kabagis, Ating Guro, Agham, ACT-CIS, Abakada, Bagong Henerasyon, Akbayan, AMA (Senior Citizens), Bayan Muna, 1-Sagip, PISTON, Akap-Bata at marami pang ibang grupo.

Sa nasabing programa ay nagkaroon ng open forum, na kung saan binigyan ng pagkakataon na makapagtanong kay Echiverri kung ano ang magagawa niya para sa mga sektor na napag-iiwanan katulad ng may mga kapansanan at senior citizens kapag sila ay mahalal na.

Agad namang sinagot ni Echiverri ang lahat na mga tanong ng mga may kapansanan lalo na ang pagbibigay ng lubos na atensyon sa kanilang sektor lalo na ang pagbibigay ng sarili nilang tanggapan sa bawat barangay ng lungsod ng Caloocan.

Tiniyak din ni Echiverri ang pagtulong sa mga may problema sa National Housing Authority (NHA) kapag sila na ang nakaupo ay pagtutulungan pa nila ng kanyang ama na si Enrico “Recom” Echiverri para lalong mapabilis ang mga programang pabahay. Sentro din ng nasabing pagtitipon ang paglagda ng mga pangunahing personalidad sa Ten-Point Agenda ang mga pagtugon sa mga pangangailangan ng mga may kapansanan, lalo na ang pagbibigay ng sariling tanggapan sa kanila at pagbibigay ng sarili nilang pondo.

ATING GURO

BAGONG HENERASYON

BAGONG SILANG CALOOCAN CITY

BAYAN MUNA

CALOOCAN CITY

ECHIVERRI

LIBERAL PARTY

MULTI-SECTORAL CON

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with