^

Metro

American national, nagbigti sa kama

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay na nang matagpuan ang isang American national  matapos itong magbigti sa double deck niyang kama sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ito  na si Joshua Michael Hunter, 42 at nanunuluyan sa Tanigue St., ng naturang  lungsod.

Dakong ala-1:30 ng madaling araw, nang makitang patay na ang biktima habang nakasubsob sa first level ng double deck na kama at may nakapulupot na cable wire sa leeg at  ang dulo ay nakatali sa 2nd level sa loob ng kuwarto ng nasabing lugar ng kasintahan nitong si Claire Nasino.

Ipinakita rin ni Nasino sa mga pulis ang suicide note ng biktima na nagso-sorry at pagmamahal sa kanyang mga magulang. Nabatid,  na huling nakitang buhay ang biktima na umi­inom ng alak dakong alas-8:00 kamakalawa ng gabi. Inaalam rin  ng mga pulis kung may naganap na foul-play sa nasabing insidente.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CLAIRE NASINO

DAKONG

INAALAM

IPINAKITA

JOSHUA MICHAEL HUNTER

NABATID

NAKILALA

NASINO

TANIGUE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with