^

Metro

7-anyos pisak sa traktora

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki habang nangunguha ito ng pako matapos maatrasan ng isang traktora kamaka­lawa sa Caloocan City.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Jaymark Tongol,  ng Sabalo St., ng  naturang lungsod.

Nasa custody naman ng pulisya ang operator ng traktora na si  Agustin Centino, ng  Dasmariñas, Cavite.

Naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon, habang nakahinto ang tractor head (RGT-637) ng sus­pek at naghihintay na makapasok sa container yard sa Acco­homes, Brgy. 14 ng naturang lungsod.

Sa oras na iyon, ang biktima naman ay na­ngunguha ng mga pako para maibenta nito sa bandang likod ng traktora. Hindi umano nakita ng suspect na nasa likod ang paslit na kanyang naatrasan. Nakuha pang maka­sigaw ng paslit at agad namang isinugod ng suspect sa ospital suba­lit hindi na nai­salba ang buhay nito. Sumuko naman sa pulisya ang suspect na si Centino.

vuukle comment

ACCO

AGUSTIN CENTINO

BINAWIAN

CALOOCAN CITY

JAYMARK TONGOL

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

SABALO ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with