27,803 preso boboto: BJMP umalerto
MANILA, Philippines - Handa na ang may 27,803 preso sa may 459 bilangguan sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa buong bansa para sa halalan 2013.
Ayon kay BJMP Officer-in-Charge Jail Chief Superintendent Diony D. Mamaril, lahat umano ng mga bilangguan ay may nakahanda nang operation plan para sa gagawing election .
Ilalagay din anya sa red alert status ang buong kagawaran sa araw ng halalan.
Dagdag ni Mamaril, madalas na rin ang pakikipag-koordinasyon ng kanilang kagawaran sa Commission on Elections (Comelec) para sa detalye ng pagboto ng mga bilanggo.
Sa kasalukuyan, may kabuuang 72, 000 preso sa may 459 bilangguan sa buong bansa ang BJMP. Mula dito, 27, 803 preso ay nakarehistro para sa eleksyon sa Mayo. Dito ay aabot sa 24,871 ang makakaboto sa loob ng piitan, habang 2,932 ay iiskortan naman ng jail officers sa mga polling precinct para makaboto.
Tiniyak din ni Mamaril na mananatiling apolitical ang BJMP at patas. Isinusulong din nila ang non-partisan politics, at hindi papadikta sa mga kandidato sa nais nilang iboto maging sa mga personnel nito.
- Latest