^

Metro

Ollie Belmonte: Bilib mga ka-distrito sa Parañaque

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dama ng mga taga-District 2, Parañaque City ang tapat na adhikain ni Oliviere “Ollie” Belmonte na makapaglingkod ng wagas sa kanyang mga ka-distrito kaya naman nag-uumapaw na suporta ang alay sa kanya ng nakararami sa mga taga-rito.

Sa isa sa mga gabihang rally ng “Bagong Parañaque” Team na nasaksihan kamakailan, kitang-kita ang suportang buhos ng kanyang mga ka-distrito kung saan siya ay tumatakbo sa pagka-konsehal sa District 2. Halos maghahating-gabi na rin nang makapagsalita ang kanilang pambato ngunit hindi nila alintana ang mahaba-habang oras na paghihintay sa pag-akyat ni Belmonte sa entablado. Patunay dito ang walang humpay na palakpakan at hiyawan ng mga nagmamahal na taga-suporta nang tawagin si Belmonte, magsayaw ang kanyang magagaling na dancers sa kanyang jingle at nang magsalita sa harap ng mga ka-distrito. Inaliw pa nga ni Belmonte ang mga nanonood sa kanyang pag-indak sa “Gangnam style” na sayaw.

Sa pagtatanong sa mga naroon, napabilib sila kay Belmonte sa kanyang sinseridad na makapag­lingkod at maihatid ang “Serbisyong Belmonte”sa “Bagong Parañaque” kaya naman hindi matawaran ang suportang kanilang binubuhos sa kandidatong ito.

“Ngayon pa nga lang po na hindi pa siya konsehal ay marami-rami na rin namang mga proyektong pangkabuhayan ang naihatid sa amin ni Kuya Ollie, kaya naman kami ay naniniwalang siya ay magiging isang magaling na konsehal sa aming lugar, maaasahan sa oras ng panga­ngailangan,” ito ang nasambit ng isa sa mga nakapanayam sa distrito.

vuukle comment

BAGONG PARA

BELMONTE

GANGNAM

INALIW

KANYANG

KUYA OLLIE

SERBISYONG BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with