^

Metro

Bus tumagilid: 16 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May 16 katao ang iniulat na nasaktan matapos na mawalan ng kontrol ang isang pampasaherong bus saka tumagilid sa kahabaan ng Elliptical Road, sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon sa pulisya, karamihan sa mga sugatan ay sakay ng Cemtrans bus (TYK-508). 

Naganap ang insidente dakong alas-11 ng gabi sa may kahabaan ng Elliptical Road harap ng Quezon City Hall.

 Ang  driver na si Miguelito Balingit, 42, residente ng San Jose del Monte, Bulacan ay nanatiling nakaditine sa Quezon City Police District’s (QCPD) headquarters sa Camp Karingal. Nahaharap si Balingit sa kasong reckless imprudence resulting to multiple injuries.

Tinatahak  ng bus ang kahabaan ng East Avenue patungong Elliptical Road nang gabi ng mang­yari ang insidente at dahil sa mabilis ang pagpapatakbo ay nawalan ito ng kontrol saka tumagilid pakaliwa sa harap ng City Hall.

AYON

CAMP KARINGAL

CITY HALL

EAST AVENUE

ELLIPTICAL ROAD

MIGUELITO BALINGIT

QUEZON CITY HALL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with