^

Metro

Biktima ng salvage, natagpuan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaking pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuan sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Inaalam pa ng Valenzuela City Police ang pagkakakilanlan ng biktima  na tinatayang nasa edad 25 hanggang 33-anyos,  may tattoo sa kanang balikat na Jayson Martin, Cruda naman sa kaliwang balikat, sa dibdib ay Nestor Miracle, Commando naman sa kanang pigi at TBS sa likod.

Sa inisyal na report ng pulisya, dakong alas-4:20 ng umaga, isang taxi driver ang nagmaniobra sa tapat ng isang lugawan sa Sitio Sulok, Brgy. Ugong ng naturang lungsod, nang mapansin nito ang naka­handusay na biktima.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang tinamo ng biktima habang nakaposas pa ang mga kamay.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente at nagsasagawa pa ng follow-up operation ukol dito.

 

vuukle comment

BRGY

CRUDA

DALAWANG

INAALAM

JAYSON MARTIN

NESTOR MIRACLE

SITIO SULOK

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with