SUV bumaliktad: 4 alalay ng alkalde sugatan
MANILA, Philippines - Apat-katao na sinasabing security escort ng imcumbent mayor ang iniulat na sugatan kabilang ang dalawang pulis makaraang bumaliktad ang kanilang sports utility vehicle bago sumalpok sa poste ng Metro Rail Transit (MRT) EDSA sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa mga biktimang isinugod sa East AveÂnue Medical Center ay sina PO2 Alexander Lim, PO2 Nemecio Espineli habang dinala naman sa Quezon City General Hospital sina Jose Biwag at Conrado delos Santos na pawang security personnel.
Nabatid na lulan ang mga biktima ng itim na Toyota Fortuner na walang plaka nang mahagip ng kaliwang gulong ang gutter ng kalsada kaya nawalan ng kontrol ang driver pagsapit sa North Ave. Ext. ng MRTmalapit sa Trinoma.
Dito na bumaliktad ang SUV kung saan nagkabasag-basag ang salamin ng SUV bago sumalpok sa poste ng MRTbandang ala-1:15 ng madaling-araw.
Sa ulat ng MMDA, nakaÂrehistro ang SUV sa nagngaÂngalang Isabel Cojuangco Suntay na sinasabing 2ndcousin ni P-Noy.
May nakita rin ang MMDA personnels sa sasakyan ng mga election flyers na may pangalan at imahe ng incumbent mayor ng Tarlac City.
Samantala, ang kaso ay hindi naman nakarating sa tangÂgapan ng Quezon City Police Traffic Sector 6 na dapat sana ay may hurisdiksyon.
- Latest