^

Metro

Binata kritikal sa pamamaril ng ‘parak’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patawirin ang buhay ng isang 23-anyos na lalaki makaraang mabaril ng isang nagpakilalang pulis, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Wilmar Turno, empleyado ng Universal Robina matapos magtamo ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan. Nabatid na isinugod sa naturang pagamutan ang biktima ng taxi driver na si Rey Naval, 43, stay-in sa garahe ng kanilang taxi sa Tadeo St,, Valenzuela City.

Ayon kay Naval, nag-aabang siya ng pasahero sa may kanto ng EDSA at Park Avenue dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang mapansin ang isang naka-unipormeng pulis na may hina­habol na dalawang lalaki. Sa pagnanais na tulungan ang inakalang pulis sa paghabol sa dalawang lalaki, isinakay niya ito sa kanyang minamanehong taksi hanggang sa bahagi ng Roxas Blvd. kung saan nagtatakbo ang dalawa.

Nang bumaba ng taksi ang pulis, nakarinig na lamang siya ng putok ng baril hanggang sa bumalik ang naka-police uniform at inutusan siya na dalhin sa pagamutan ang sugatang lalaki at hahabulin pa nito ang nakatakas na kasamahan.

Hindi naman nagpakita pa sa pagamutan ang sinasabi ni Naval na pulis.  Dahil dito, isinasailalim sa dagdag na imbestigasyon ang taxi driver habang nagsasagawa ng background investigation sa biktimang si Turno.

vuukle comment

AYON

PARK AVENUE

PASAY CITY

REY NAVAL

ROXAS BLVD

TADEO ST

UNIVERSAL ROBINA

VALENZUELA CITY

WILMAR TURNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with