^

Metro

LPG nag-rollback

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraan ang pagtataas sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene, nagpatupad naman kahapon kasabay sa  Araw ng Paggawa ang mga kompanya ng langis ng rolbak sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at auto-LPG.

Sa mensahe na inilabas ni Raffy Ledesma, tagapagsalita ng Petron Corporation, nasa P2.40 kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas ang kanilang tatapyasin epektibo alas-12:01 ng madaling-araw.  Katumbas ito ng P26.40 sa kada 11-kilong tangke ng LPG.

Bukod dito, nasa P1.51 kada litro rin ang itinapyas sa bawat litro ng auto-LPG ng Petron.

Dakong alas-12 rin ng tanghali kahapon nang magtapyas ang Total Philippines ng P2 sa kada kilo ng LPG.

Inaasahan na susunod din sa pagbaba ng presyo ng ka­nilang LPG players sa bansa sa kabila na wala pang inanunsiyo ang mga ito.

ARAW

BUKOD

DAKONG

FIESTA GAS

GASUL

INAASAHAN

PETRON CORPORATION

RAFFY LEDESMA

TOTAL PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with