^

Metro

Oil price hike naman

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagtapos na ang sunud-sunod na rolbak sa presyo sa langis makaraang magpatupad ng dagdag presyo ang mga kompanya ng langis epektibo kahapon ng umaga.

Sa magkahiwalay na abiso nina Raffy Ledesma ng Pilipinas Shell at Ina Soriano ng Pilipinas Shell, nagtaas sila  ng halagang P0.50 kada litro ng unleaded at premium gasoline, P0.40 kada litro sa diesel at P0.25 kada litro sa kerosene eksakto alas-6 ng umaga kahapon.

Sumunod rin sa price hike ang  nag-anunsiyo rin ng pagtataas ng kahalintulad ding halaga ang Chevron.  Nakigaya rin ang Flying V.

Hindi pa naman nag-anunsiyo ng pagtataas sa kanilang presyo ang iba pang kompanya ng langis bagama’t inaasahang susunod na rin ang mga ito na posibleng sa kahalintulad ding halaga.

Magugunita na apat na sunud-sunod na linggo na nagtapyas ng presyo ng kanilang produkto ang mga kompanya ng langis bunsod na rin ng pagbagsak ng presyo­ nito sa pandaigdigang pamilihan na panandaliang ikinatuwa ng mga motorista.

Umalma naman, hindi lamang ang iba’t ibang grupo ng transportasyon kundi ma­ging ng mga labor groups sa panibagong pagtataas ng presyo ng petrolyo kasabay ng paghahayag na hindi magandang pasalubong sa Araw ng Paggawa (Labor Day) ngayong araw ang oil price hike na ipinatupad ng mga dambuhalang kompanya ng langis.

ARAW

FLYING V

INA SORIANO

LABOR DAY

MAGUGUNITA

NAGTAPOS

PILIPINAS SHELL

RAFFY LEDESMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with