^

Metro

Palusot na baliw, hindi umubra: Kidnaper ng paslit, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi lumusot sa mga pulis ang arteng pagbabaliw-baliwan ng isang babae matapos na dakpin ito makaraang tangkaing kidnapin  ang isang 9-anyos na batang babae, kahapon sa Caloocan City.

Nakilala ang suspect na si Ma. Katlea Velasquez, 32, ng Antique St., Bago Bantay, Quezon City na nakakulong ngayon sa Caloocan City Police.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang pumasok ang suspect  sa bahay ng biktima sa BMBA ng nasabing lungsod.

Hinatak ng suspect  ang biktima dahilan upang magising ito  hanggang umabot sa kalsada ang hatakan.

Nakita naman ng isang kapatid ng biktima ang ginawa ng suspect na naging dahilan upang humingi ng tulong sa mga barangay tanod.

Naabutan pa ng mga tanod ang hatakan na naging dahilan upang dakpin ang suspect at ibalik sa magulang ang biktima.

Sa presinto ay umak­tong baliw  ang suspect, subalit hindi lumusot sa mga pulis ang alibay nito hanggang sa ikulong na at nakatakda itong sampahan ng kaukulang kaso.

vuukle comment

ANTIQUE ST.

BAGO BANTAY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

HINATAK

KATLEA VELASQUEZ

NAABUTAN

NAKILALA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with