40 pedicab ipinamahagi ni Lim
MANILA, Philippines - Natupad na ang pangarap ng may 40 pedicab driver na magkaroon ng sariling pedicab matapos na ipamahagi ni Manila Mayor Alfredo Lim sa ilalim ng ‘Boundary-Hulog Program’, ng city government.
Sa ginanap na simpleng seremonya sa Rasac Covered Court, kasama ni Lim ang kanyang vice mayoral candidate Lou Veloso, re-electionist Congresswoman Naida Angping at kandidato sa pagka konsehal na sina Thelma Lim, Engr. Severino Reyes, William Lising, Jess Abejar at Jackson Dechavez na nagpamahagi ng mga bagong “pedicabs†sa mga benepisyaryo mula sa Districts 1 at 2.
Sinabi ni Nancy Villanueva, chief ng Manila Traffic and Parking Bureau, ang inisyal na units na ipinamigay ay bahagi ng 240 pedicab units na ipamamahagi sa anim na distrito ng Maynila.
Ayon kay Villanueva, P100 kada araw ang hulog sa pedicab hanggang sa matapos ang pagbabayad.
Kasabay nito nanawagan si Lim at iba pang kandidato sa mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers’ Association (PODA) na ipagpatuloy ang kanilang pangarap.
Sinabi naman ni PODA leader Rhuel Congreso, na si Lim ang tunay na may malasakit sa mga pedicab drivers. BabaÂyaran umano ng hanggang apat na buwan ng mga benificiary ang mga pedicabs.
Ang halagang makokolekta ay muling ibibili ng mga bagong units ng pedicabs para naman sa ibang benipisyaro.
Nabatid noong nakalipas na buwan may 15,000 operators at drivers ng tri-wheel units ang nagbigay ng suporta sa tamÂbalang Lim at Veloso.
- Latest