5 holdaper arestado
MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng limang holdaper matapos nilang biktimahin ang isang driver kamakalawa ng madaÂling-araw sa Pasay City.
Kinilala ni Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police ang mga suspect na sina Paulo Manuel, 17, out of school, taga #133 Villanueva St.; John-John De Mesa, 19; Jordan Arcaina, 16; Raul Latayan, 17 at Nixam MaÂnuel, 26, pawang residente ng #2047 Tramo St., ng nabanggit na lungsod.
Kinilala naman ang biktimang si Mark Ermena, 26, family driver, residente ng #133 Villanueva St., Taft AveÂnue ng naturang lungsod.
Naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng madaÂling-araw sa panulukan ng Luna St., at Taft Avenue ng nabanggit na lungsod.
Naglalakad ang biktima sa naturang lugar upang sunduin ang kapwa nito tsuper, nang biglang sumulpot ang mga suspect hanggang sa tinutukan ang biktima at nagdeklara ng hold-up.
Tinangay ng mga suspect ang bag ng biktima na nagÂlalaman ng pera, cellphone at mahahalagang gamit nito.
Mabilis na tumakas ang mga suspect subalit hindi naman ito binalewala ng pulisya kung saan nagsagawa ng follow-up at nadakip ang lima.
- Latest