^

Metro

Ret. pulis patay sa lover

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 54-anyos na retiradong pulis ang nasawi ma­tapos barilin ng apat na beses ng umano’y kanyang ka­relasyon, sa gitna ng pagtatalo hinggil sa pera na ipinatalo ng una sa casino, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril na ca­liber 22 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang  biktimang si SPO1 Ernesto Chaves Mateo,  da­ting nakatalaga sa Pasay City Police District na nag-avail umano ng early retirement at residente ng #1911 Cam­pillo St., Malate, Maynila.

Kusang-loob namang su­muko sa Manila Police District-Malate Police Station 9 si Cynthia Bay­bayon, 48, area super­visor ng isang carpark, tubong-Masbate at naninirahan sa Lourdes St., Pasay City.

Sa ulat ni PO3 Rommel del Rosario  ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng ma­daling-araw nang makarinig ng apat na putok ng baril ang ilang kapitbahay kaya nag-usisa umano at nang buksan ang nakasa­radong pintuan ng pulis ay nakita na nakahandusay ito at duguan.

Ayon pa sa impormas­yon, madalas umanong magtalo ang dalawa dahil sa pera at bisyo ng biktima.

Lumilitaw na kasama ng suspect kamakalawa ng gabi sa casino sa Manila Pavillon ang biktima subalit natalo ito.

Nang makauwi ng bahay, nagkaroon ng mainitang pagta­talo ang biktima at suspect kung saan kinuha ng una ang baril.

Naagaw ni Bayba­yon ang baril hanggang sa magpambuno sila at naiputok umano niya ito sa biktima ng ilang ulit upang depensahan ang sarili.

Nai-turn over na at nakapiit si Baybayon sa MPD-Homicide Section habang inihahanda ang kasong homicide­ na isa­sampa laban­ sa kanya.

 

CYNTHIA BAY

ERNESTO CHAVES MATEO

HOMICIDE SECTION

LOURDES ST.

MANILA PAVILLON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-MALATE POLICE STATION

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with