^

Metro

Ginang itinumba ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang na pangulo ng isang homeowner association ang nasawi makaraang pagbabarilin ng riding in tandem  na nagpakilalang mga pulis sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Si Delfina Macapagal, 56, pangulo ng Kamagong-Kasoy homeowners association ay nagawa pang maitakbo ng ilang residente sa ospital, pero binawian din ng buhay dulot ng mga tama ng bala sa kanyang ulo.

Ang mga suspect na sakay ng isang motorsiklo ay agad namang sumibat sa lugar makaraang isagawa ang krimen.

Ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, nangyari ang insidente sa loob ng bakuran ng bahay ng biktima pasado alas-4 ng hapon.

Sabi ng testigong sina Romeo Marita at Mark Christer Cabrilla, naglalaro sila ng chess nang makarinig sila ng sunud-sunod na mga putok ng baril sa nasabing lugar.

Nang kanilang tingnan, isa sa mga suspect ang bigla silang sinigawan ng “Yuko, Yuko, puputukan ko kayo, pulis ako” bago tuluyang uma­lis sa lugar sakay ng isang motorsiklo.

Agad namang tinulungan ng dalawang residente ang biktima na buhatin at isugod sa Fairview General Hospital, pero idineklara din itong dead-on-arrival.

Sa pagsisiyasat ng awto­ridad, narekober sa lugar ang isang fire bullet, at isang fired cartridge case ng kalibre .45 baril. Inaalam pa ng imbestigador ang ugat ng nasabing pananambang.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

AYON

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

INAALAM

ISANG

MARK CHRISTER CABRILLA

ROMEO MARITA

SI DELFINA MACAPAGAL

YUKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with