Mga kawatan iwas na sa Muntinlupa dahil sa CCTV
MANILA, Philippines - NagdadaÂlawang isip na umano ngayon ang mga kriminal na gumawa ng mga kaÂbulastugan sa mga establisimento sa Muntinlupa City dahil sa mas pinaigting na seguridad sa lunsod bunsod ng mga lokal na ordinansa.
Ito ay makaraang isiwalat ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro na naging halos isandaang porsiyento nang naipaÂtupad ang ordinansa bilang 11-046 o CCTV OrdiÂnance sa lungsod na naglalaÂyong gawing compulsory requirement at pagkakaroon ng closed circuit tv sa lahat ng maÂlaÂlaking esÂtablisimento.
Nakasaad sa natuÂrang ordinansa na ang lahat ng mga establisimentong bukas sa araw o gabi na may kapital na P1 milyon pataas ay obligadong lagyan ng cctv ang kanilang nasasakupan at i-record ang digital imaÂges ng mga ito sa loob ng susunod na isang buwan upang mai-review kung tinatawag ng pagkaka taon.
Obligado rin ang mga may-ari ng estaÂblisiyemento na bigyan ng kopya ng mga recorÂdings ang mga pulis kung sakaling kailanganin ito sa pag-iimbestiga sa mga kriminalidad.
“Ipinasa ng ating konseho ang ordinansang ito matapos ang masinsinang pag-aaral sa kahalagahan ng mga cctv cameras para mabigyan ng proteksiyon ang mga establisiyemento at mga parukyano ng mga ito laban sa masasamang loob,†ang paliwanag pa ni San Pedro na ngayon ay tumatakbo sa kanyang huling termino bilang mayor ng lungsod.
- Latest