Sa harap mismo ng nobyo: Bebot na dating police asset, itinumba
MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang nakamaskarang suspect ang isang babae na umano’y dating asset ng pulisya sa iligal na droga sa harap pa ng kanyang nobyo, kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Naisugod pa sa Pasay City General Hospital (PCGH) ni Peter Gako, 43, driver, ang kasintaÂhang si Jocelyn Eugenio, 32, ng Galvez Compound, Aurora St., sa naturang lungsod suÂbalit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas sanhi ng mga tinamong tama ng bala ng kalibre .9mm sa ulo at katawan.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa kanto ng P.C. Santos at Tolentino Sts. Naglalakad ang magkaÂsintahan sa naturang lugar nang sumulpot ang isang laÂlaki na ginawang maskara ang damit pang-itaas at agad na pinaputukan si Eugenio.
Nabatid na pinagbaÂbaril pa ng salarin ang biktima habang nakaÂbagsak na ito upang maÂÂÂtiyak na hindi ito maÂkakaligtas sa kaÂmaÂÂÂta yan. Ayon kay Gako, hinabol rin siya at pinaputukan ng salarin ngunit naubusan ito ng bala kaya siya nakaligtas.
Nang tumakas ang killer, sinamantala ito ni Gako para saklolohan ang nobya at isinugod sa pagamutan ngunit hindi na rin nabuhay.
Sinabi ni Gako sa pulisya na maaÂaring may kiÂnalaman sa paÂgiging dating police asset ng biktima ang motibo sa naganap na krimen daÂÂhil sa ilang drug pushers rin sa lungsod ang naipaÂkulong nito.
- Latest