^

Metro

Lalaki timbog sa 200 piraso ng pekeng dolyar

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Criminal Intelligence Division ng Na­tional Bureau of Invesigation at mga special agents ng Bangko Sentral­ ng Pilipinas ang isang lalaking nagbebenta ng pekeng dolyar sa Maynila.

Ayon kay Senior Inspector Raymond Macorol, may natanggap silang  tip hinggil sa isinasagawang  operasyon ng  suspect na si Melanio Evasco, 53.

Isang babaeng special agent ng NBI ang nagpanggap na bibili ng dolyar sa suspect sa isang mall sa Maynila. Pu­mayag naman ang suspect at dito na nga ito natimbog ng mga awtoridad­.

Narekober mula kay Evasco ang 200 piraso ng pekeng 100 US dollars. Napatunayang peke ang  mga dolyar nang cash department  ng Central Bank

Nahaharap ang suspect sa paglabag sa Article 168 ng Revised Penal Code o illegal possesion and use of false treasury.

Hinala ng NBI may mga kasabwat pa itong supplier o manufacturer ng pekeng dolyar na siya ngayong tinatarget ng NBI.

ARESTADO

BANGKO SENTRAL

BUREAU OF INVESIGATION

CENTRAL BANK

CRIMINAL INTELLIGENCE DIVISION

MAYNILA

MELANIO EVASCO

REVISED PENAL CODE

SENIOR INSPECTOR RAYMOND MACOROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with