Empleyada patay sa heat stroke
MANILA, Philippines - Hindi na nagawa pang maÂkapasok sa trabaho ng isang empleyada matapos maÂsawi dahil sa heat stroke sa Mandaluyong City kahapon ng maÂdaling-araw. Kinilala ang nasawi na si Beverly Manubay, 29, dalaga, empleyado ng SPI Global Company sa Mandaluyong City at naninirahan sa Volley Golf, Taytay, Rizal.
Sa inisyal na imbestigasÂyon ng pulisya, nabatid na na diskubre ang bangkay ng biktima dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa loob mismong comfort room ng Unit 8-A Anaheim Tower 3, California Garden Square, Libertad St., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City, na inuupahan nina Paul Candenas, 30, binata, supervisor at Chris Ner Mariano, na officemate ni Manubay.
Sa salaysay sa pulisya ni Candenas, nabatid na nakiÂsuyo umano sa kanya ang bikÂtima na makikitulog sa kaÂniÂlang condo unit. Nauna umanong pumaÂsok si Candenas at iniwan ang biktima na naliligo pa sa banyo.
Pagsapit ng alas-3:00 ng madaling-araw ay nagulat na lang umano si Candenas nang tanungin siya ni Tyron Wensky Gratil, na siyang supervisor ni Manubay, kung bakit hindi pumasok sa trabaho ang biktima.
Kaagad naman umanong sinabi ni Candenas kay Gratil na imposibleng hindi pumasok ang biktima dahil nang iwan niya ito sa bahay ay naliligo na rin ito at naghahanda sa pagpasok.
Mabilis na binalikan ni Candenas sa bahay si Manubay at dito natuklasan ang katawan nito na nakahandusay sa banyo. Isinugod pa ito ni Candenas sa pagamutan ngunit patay na ito
Ayon sa pulisya, wala naman umanong nakitang anumang sugat sa katawan ng biktima na palatandaan na sinadya ang pagkamatay nito, kaya’t may hinala ang mga awtoridad na posibleng heat stroke ang dahilan nang pagkasawi nito.
- Latest