^

Metro

Estudyante ng Adamson, nagbaril sa sarili

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dala umano ng labis na kalungkutan hingil sa kanyang love life, isang 17-anyos na estudyante ng Adamson University ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Si Erwin Mariano, ng Brgy. Tatalon ay nasawi mula sa isang tama ng bala sa ilalim ng baba at naglagos sa kanyang ulo.

Ayon kay PO3 Rhic Pittong, may-hawak ng kaso, binaril umano ng biktima ang sarili sa harap ng kanyang mga kaibigan na pinagtapatan niya ng kanyang lahat ng kasawian.

Ang insidente ay naganap sa may Sitio Pajo, Brgy. Baesa ganap na alas-6:45 ng gabi kung saan pansamantalang nakatira ang nasawi kasama ang isang pinsan.

Si Mariano ay isang track and field atlete na nag-aaral sa Adamson University.

Nabatid ni Pittong na ang teenager ay umalis kamaka­ilan sa kanilang bahay ma­ta­pos na makipagtalo sa kan­yang mga magulang.

Sinasabing habang ipinagtatapat ni Mariano sa kanyang mga kaibigan ang problema ay bigla nitong kinuha ang kalibre 38 baril na nasa kanyang backpack.

Noong una ay itinututok ng biktima ang baril sa kanyang bibig saka kinalabit pero hindi ito pumutok. Kasunod nito, na­kita ng kanyang mga kaibigan na inilagay naman ni Mariano ang baril sa ilalim ng kanyang baba at kinalabit.

Ang baril ay pumutok sa ikalawang pagtatangka na ikinasawi ng biktima. Nabatid din na ang girlfriend ng biktima ay nakipag-hiwalay sa kanya sa pamamagitan nang pagpapadala ng text messages.

Sinasabing ang girlfriend na isang May Anne, ay pinagalitan sa kanyang bahay at hiniling kay Mariano na itanan na siya nito. Ito rin ang nagtulak kay Mariano para hilingin sa kanyang mga magulang na kung maaaring tumira sa kanila ang syota, pero hindi pumayag ang mga magulang nito.

Sabi pa ni Pittong, base sa mensahe mula sa babae sa cellphone ni Mariano, tinatapos na ng babae ang kanilang relasyon dahil inaakusahan ng huli ang biktima na hindi siya kayang idepensa sa kanyang mga magulang.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

BRGY

KANYANG

MARIANO

MAY ANNE

NABATID

PITTONG

RHIC PITTONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with