^

Metro

3 fetus sa plastic bag nakita sa loob ng CR ng simbahan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong fetus na pinaniniwalaang galing sa abor­syon ang natagpuang nakasilid sa isang plastic bag sa loob ng isang kubeta ng simbahan sa Novaliches, lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sabi ni SPO2 Edward Samilin, desk officer ng PS4, ang naturang mga nilalang ay posibleng ma­tagal nang iniluwa mula sa sinapupunan ng kanilang mga ina, dahil mistulang naagnas na ang mga ito nang matagpuan.

Ang mga fetus ay nakita ni Flora Duran na isang maintenance sa pambabaeng comfort room ng Our Lady of Mercy Parish Church na ma­tatagpuan sa Quirino Highway corner Dumalay St., Sta. Monica, Novaliches, ganap na alas-8:10 ng umaga.

Sabi ni Duran, lilinisan sana niya ang nasabing CR nang makita ang isang plastic bag na nasa gilid nito.

Sa pag-aakalang munting basura, kinuha ito ni Duran, pero nang kanyang buksan ay nagulat na lang ito nang makita ang kaawa-awang mga nila­lang. Ang mga fetus ay tinatayang nasa edad na apat hanggang limang buwang gulang, ayon pa sa pulisya.

Agad niyang ipinagbigay alam sa opisyal ng simbahan ang nakita, hanggang sa tumawag ng mga awtoridad para sa gagawing pagsisiyasat.

Tinitignan ng awtoridad ang posibleng may taong nag-aabort ng mga bata sa lugar na maaring may kinalaman sa nasabing insidente.

 

DUMALAY ST.

DURAN

EDWARD SAMILIN

FLORA DURAN

NOVALICHES

OUR LADY OF MERCY PARISH

QUIRINO HIGHWAY

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with