^

Metro

Tubero binaril sa ibabaw ng tulay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ng isang tubero makaraang barilin  ng isang hindi pa nakikilalang salarin ha­bang ang una ay nasa iba­baw ng isang tulay sa Pasay City kamakalawa ng gabi.

Sa ulo binaril ang  biktimang si Richard Paragas, 39,  residente ng  Protacio Ext. ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang pa­ mamaril dakong alas-8:23 ng gabi sa ibabaw ng tulay sa Protacio Street.  Nabatid na kauuwi lang ng biktima galing sa trabaho at nagpapahangin sa may tulay nang lapitan ng salarin.

Agad na pinaputukan ng suspect habang naka­talikod  ang biktima  at saka tumakas sa hindi mabatid na direksyon.

Ayon sa asawa nitong si Chona Gozon, 39, wala siyang alam na kagalit ng kanyang asawa na umano’y isang tahimik na tao.

Masusing iniimbestiga­han ang naturang kaso para alamin kung ano ang tunay na motibo ng pamamaril sa biktima habang inaalam ang pagkakaki­lanlan ng suspek.

Umaasa rin na makakarekober ang biktima upang maipagtapat kung sino ang bumaril sa kanya.

vuukle comment

AYON

CHONA GOZON

KRITIKAL

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

PROTACIO EXT

PROTACIO STREET

RICHARD PARAGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with