^

Metro

100 ‘palaboy’ pinagdadampot

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mahigit sa 100 batang-kalye ang pinagdadampot ng mga tauhan ng Pasay City Police at lokal na Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) sa inilunsad na “Oplan Kalabit Pahingi”, kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca na bahagi rin ito ng programa ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na “Task Force Sagip Anghel” na ipinag-utos ni Director Leo­nardo Espina makaraan ang pagputok ng isyu sa mga nawawalang bata sa Metro Manila.

Isinagawa ang pagdampot sa mga bata sa bisa ng ordi­nansa sa curfew ng Pasay City Government. Inipon ng mga pulis at social workers ang mga bata saka binigyan ng lecture sa curfew habang sinermonan rin ang mga ma­gulang sa responsibilidad sa kanilang mga anak.

Binalaan din ng mga social worker ang mga magulang na kapag nahuling muli ang kanilang mga anak ay hindi na nila ito isasauli. Kukupkupin umano muna ng gobyerno ang mga bata upang isailalim sa values formation at ibabalik na lamang kapag nakitang res­ponsable na ang mga ma­gulang para alagaan ang kanilang mga anak.

Agad din namang pinauwi ang mga bata at kanilang mga magulang matapos ang naturang lecture habang ang mga bata na hindi pinuntahan ng mga magulang ay mananatili muna sa holding center ng Pasay City DSWD.

Matatandaan na una nang nagsagawa ng pagdampot ang Pasay Police sa mga “batang hamog” sa kahabaan ng NAIA Road na nangmomolestiya sa mga motorista lalo na sa mga balikbayan at mga turista.

 

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

DIRECTOR LEO

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

OPLAN KALABIT PAHINGI

PASAY CITY

PASAY CITY GOVERNMENT

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with