^

Metro

Binata nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na nakaya ng isang 25-anyos na binata ang problemang pasan sa kanilang pamilya na siyang ugat upang tapusin nito ang kanyang  buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng banyo ng kanilang bahay sa Brgy. South Triangle, lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay SPO1 Joel Ga­ gasa ng Criminal In­vesti­gas­yon and Detec­tion Unit (CIDU), si Rol­dan Alboro, ay natagpuang  nakabitin sa  loob ng kanilang banyo sa Scout Borromeo, Brgy. South Triangle, ganap na alas-4:30 ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya,  prob­lema sa pamilya ang sinasabing posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima dahil ito lamang inaasahan sa kanila sa mga gastusin sa bahay.

Base sa mga kaanak ng biktima, bukod kay Roldan katuwang sana nito ang kapatid na babae sa paghahanap-buhay para sa gastusin ng kanilang pamilya, suba­lit nadis­maya ito nang ma­lamang nag-asawa na ang kapatid sa Cebu.

Dahil sa pangyayari, na­lungkot ang biktima at dahil sa problemang wala na siyang makakatuwang sa kanilang pamilya ay naganap ang nasabing insidente.

“Sabi kasi ng kaanak, may pangako daw sa isa’t-isa ang dalawa na magkatuwang sila sa pag­­tatrabaho para ma­ ipaayos ang bahay, eh nag-asawa nga yung babae, kaya siguro hindi niya matanggap at nagpakamatay,” ayon pa kay Gagaza.

Sinasabing maaaring plano na ng biktima na magpaka­matay dahil sa mga text  nito sa kanyang mga kaanak at kaibigan na tila nagpapaalam.

Si Alboro ay natagpuan ng isang Ryan Da­vid habang nakabitin sa kisame sa loob ng banyo ng kanilang bahay, gamit ang nylon cord.

 

AYON

BRGY

CRIMINAL IN

JOEL GA

RYAN DA

SCOUT BORROMEO

SHY

SI ALBORO

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with