Pasaway na pasahero, dahilan din sa madalas na pagtirik ng LRT tren
MANILA, Philippines - Nanawagan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) sa mga pasahero nito na sundin ang kanilang mga alituntunin dahil sa nagiging isa ring dahilan ang mga pasaway na mananakay sa pagtirik ng kanilang mga tren.
Ito ang inihayag ni Evelyn Paragas, communications maÂnager ng LRTA makaraan ang nararanasan na sunud-sunod na pagtirik at “code red†ng LRTA.
Ayon kay Paragas, bukod sa natural na pagkasira ng mga piyesa, dagdag rin ang mga pasahero na nagpipilit makasakay kahit apaw na ang tren at pilit na binubuksan ang mga awtomatiko nilang pinto sanhi upang mag-malfunction ang mga ito. Dahilan rin umano ito ang pagbagal ng biyahe ng mga tren dahil sa problema sa pagsasara sa mga pinto.
Isa pa sa nakikita nilang dahilan ay ang paglobo ng bilang ng mga pasahero sa 500,000 kada araw buhat sa dating 350,000 buhat nang madagdag ang mga istasyon ng BalinÂtawak at Roosevelt.
Maaaring may epekto rin umano ang nararanasang init ng panahon ngayon dahil sa napupuwersa ang kanilang air-conditioning system bawat tren na kumakain ng dagdag na kuryente.
Patuloy naman umano ang unti-unting rehabilitasyon ng mga tren lalo na iyong mga 1st generation trains na noon pang dekada 80 bumibiyahe. May nagaganap naman umanong bidÂding para sa mga “spare parts†na kanilang hinihintay pa. Sa kasalukuyan, nasa 33 tren ang kinakailangan bawat araw ngunit nasa 27 tren lamang ang nakakabiyahe dahil sa kakulaÂngan at ang iba ay kinukumpuni sa kanilang depot sa Pasay City.
- Latest