65-anyos hulog sa bubong, lasog
MANILA, Philippines - Patay ang isang 65-anyos na empleyado ng Department of Public Safety (DPS) ng Manila City Hall nang mahulog mula sa kinukumpuning bubuÂngan ng slaughter house sa Tondo, Maynila, kaÂhaÂpon ng umaga.
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ang biktimang si Lorenzo Palileo, karpintero at nakatalaga sa Vitas, Slaughter house at residente ng Gerona St., Tondo makaraang mabasag ang ulo at magkaÂbali-bali pa ang buto.
Dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa compound ng slaughter house sa Vitas, Tondo, Manila.
Ayon sa salaysay ni Rodel Enriquez, 33, helÂper, umakyat ang biktima sa bubong ng slaughter house upang kumpunihin ang mga butas na yero nito.
Habang ginugupit umaÂÂno ng biktima ang yero na ipapalit sa luma ay bumigay ang tinapakan nitong pamakuan at nahulog kung saan nauna umano ang ulo nito na buÂmagsak sa semento.
- Latest