^

Metro

Pulis QC, kinasuhan ng Iranian sa pagnanakaw

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis- Quezon City ang sinampahan ng kasong pagna­nakaw ng isang Iranian national makaraang kunin umano ng una ang mahahalagang gamit ng huli nang ares­tuhin ang naturang dayuhan, kamakailan.

Kinasuhan sa sala ni QC-RTC Branch 80 Judge Charito Gon­za­les si PO1 Levi de Vera na nakatalaga sa QCPD-Station 10.

Sa reklamo ni Hamid Reza Aghaali Maghazeh­, sinabi nito na naganap ang pagnanakaw sa kanya ng naturang pulis noong  siya ay hulihin habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Tomas Morato sa naturang lungsod.

Sinabi ni  Maghazeh na nang siya ay arestuhin ni  PO1 De Vera at kasama nito ay dinala siya malapit sa may Zirkoh bar at doon ay kinuha ang kanyang Nokia model N96 cellular­ phone na may halagang  P16,000; Samsung Galaxy Y cellular phone na may halagang  P5,990;  kanyang lisensiya; certification ng rehistro; or/cr ng rehistro at sticker ng kanyang motorsiklo at P3,000 cash.

Ani Maghazeh, makaraan malimas ang kanyang pera at ibang mga gamit ay agad siyang pinaka­walan ng naturang pulis.

Pinayagan naman ng korte na makapagpiyansa ang inire­reklamong pulis sa halagang P100,000.

vuukle comment

ANI MAGHAZEH

DE VERA

HAMID REZA AGHAALI MAGHAZEH

ISANG

JUDGE CHARITO GON

QUEZON CITY

SAMSUNG GALAXY Y

SHY

TOMAS MORATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with