^

Metro

Paglilinaw ng DepEd sa estudyanteng napatay sa sapak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw ni  Department of Education (DepEd)-Taguig-Pateros administrator Dr. George Tizon ang ulat na na­patay ang  high school student na si Juny Jabon sa loob ng  President Diosdado Macapagal High School.

Ayon kay Tizon, naganap ang insidente sa labas ng eskuwelahan matapos magka­sikuhan sa paglalaro ng basketball ang  biktima at suspect noong Huwebes.

Napatay sa suntok si Jabon ng  menor-de-edad na suspect sa pamamagitan ng  paggamit ng  brass knuckles.

“Nililinaw ko po na hindi sa loob ng paaralan naganap ang insidente taliwas sa mga naunang balita. Ang basketball court po ay nasa labas ng eskwelahan at ang pinangyarihan ng pambubugbog at pagkamatay ng biktima ay  100 meters away po sa eskwelahan,” pahayag ni Tizon.

Ginawa ni Tizon ang paha­yag upang itama ang naunang mga ulat na naganap ang insidente kasabay ng enrollment ng mga bata. Wala aniyang katotohanan ito dahil matagal nang naka-enrol ang biktima.

Inihayag din ni Tizon na bagamat naganap ang insi­dente sa labas ng paaralan ay gagawa sila ng mga hakbangin sa tulong ng pamahalaang lungsod at mga opisyal ng ba­rangay kung paano mapu-protektahan ang mga estud­yante sa masasamang elemento.

AYON

DEPARTMENT OF EDUCATION

DR. GEORGE TIZON

GINAWA

HUWEBES

JUNY JABON

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL HIGH SCHOOL

TIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with