^

Metro

Mister inutas sa harap ng anak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-anyos na mister makaraang pagbabarilin ng isang lalaki sa harap mismo ng kanyang anim na taong gulang na anak sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si Nelson Norumbaba,  ng 2nd St., BF Road, Brgy. Holy Spirit ay nagawa pang maitakbo sa ospital, ngunit binawian din ng buhay.

Mabilis namang tumakas ang suspect na inilarawan na nasa taas na 5’2’’, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at itim na pantalon.

Nangyari ang insidente  sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa panulukan ng Samonte St., Brgy. Holy Spirit, ganap na alas-12:30 ng hapon.

Ayon sa testigong si Simplicio Cabenta, busy siya sa pagbabantay sa kanyang tinda sa nasabing lugar nang matanaw niya ang biktima at anak nitong si Marion na naglalakad.

Bigla umanong sumulpot ang suspect na armado ng baril at pinagbabaril ang biktima, saka sumibat patungo sa Samonte St.

Isang nagmalasakit na taxi driver naman na si Morales Chavez ang agad na nagtakbo sa biktima sa East Avenue Medical Center su­balit idineklara din itong dead- on-arrival.

Narekober sa lugar ang pitong basyo ng cal. 45 baril.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

HOLY SPIRIT

MORALES CHAVEZ

SAMONTE ST.

SI NELSON NORUMBABA

SIMPLICIO CABENTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with