4 kidnappers timbog ng NBI
MANILA, Philippines - Apat na miyembro ng umano’y kidnap for ransom group na nag-ooperate sa Metro Manila ang naaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Kinumpirma ng hepe ng NBI- Anti-Organized Crime Division, Head Agent Rommel Vallejo na ang mga suspect ay isang sindikato ng kidnap-for-ransom na matagal na nilang minamanmanan.
Kinilala ang nadakip na lider ng grupo na si Gerald Domingo; ang girlfriend nito na si Maryjane San Martin at dalawang iba pa na kinilalang sina Emmanuel de Jesus at Edwin Castro na may mga alyas na Orlando Sanchez at Bong na kritikal ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) matapos mabaril sa batok sa gitna ng pakikipagpalitan umano ng putok sa mga tauhan ng NBI.
Naisalba naman ng NBI ang biktimang si Flor Ty, isang Chinese casino finanÂcer, na dinukot ng nasabing grupo upang ipatubos umano ng P20 milyon.
Ayon kay Vallejo, si Ty ang ikatlong biktima ng grupo at inabisuhan na umano ang dalawa pang mga nabiktima ng grupo na magsampa ng hiwalay na reklamo ng kidnapping with ransom.
Modus umano ng grupo na abangan ang mga financier sa casino at kidnapin, kung kaya’t minonitor ang galaw ng mga ito. Kamakalawa nang mabatid na ang mga suspect ay sakay ng isang pulang Ford Lynx (SXV 574) at isang Mitsubishi Lancer.
Bandang alas-3:00 ng madaling araw nang harangin si Ty sa panulukan ng Lope de Vega at Rizal Avenue Sts., ng grupo na sinundan umano mula sa Casino Filipino sa UN Avenue, sa Ermita.
Nagkaroon ng habulan nang makatunog na sumusunod ang grupo ng NBI hanggang sa mauwi sa palitan ng putok. Nakatakas sakay ng Ford Lynx ang isang alyas Benjie na diumano’y dating miyembro ng Southern Police District
- Latest