CCTV sa Maynila inutil
MANILA, Philippines - Inamin ni Manila Police District Officer in Charge Sr. Supt. Roberto Po na wala ng silbi ang milyun-milyong pisong halaga ng mga closed circuit television camera o CCTVs sa mga pangunaÂhing lansangan sa Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Po, maging ang website ng MPD ay hindi na rin gumagana kaya mistulang wala na ring silbi.
Paliwanag ni Po, malaki ang naitutulong ng CCTV kaya kailangan aniya ng MPD ng P5 milyon para mapaÂlitan ang mga obsolete hardwares na dating nakalagay sa mga CCTV para muling mapaandar.
“Okay pa naman yong mga monitor kaso unti-unting nawala kasi kailangan ng pondo sa maintenanceâ€, sabi ni Po.
Maging ang website ng MPD ay hindi na rin aniya umaandar dahil sa kakulaÂngan ng information techÂnology experts ng Philippine National Police (PNP) na magmamantine sana sa opeÂrasyon ng website ng MPD.
Humahanap na rin aniya ng pondo ang Manila police para sa maintenance ng CCTV at website na malaki ang naitutulong para epektibong paglaban sa krimen.
- Latest