Liberian national, lunod sa Manila Bay
MANILA, Philippines - Isang Liberian national na nalunod sa Manila Bay ang natagpuan kahapon sa bahagi ng baywalk sa Roxas Boulevard sa Ermita, Maynila.
Sa pamamagitan ng naÂrekober na visa card sa bulsa, kinilala ang biktima na si AbraÂham Weah, tinatayang nasa 25-30 ang edad, may taas na 5’10’’, nakasuot ng gray na Wrangler t-shirt at Esprit ang maong na pantalon.
Sa ulat, dakong alas -5:00 ng umaga nang makapa sa ilalim ng tubig ng isang nangÂhuhuli nang talangka na si Onate ang biktima na naghaÂhabol pa ng hininga kaya sinuÂbukang isalba.
Iniahon at isinailalim pa ito ni Onate sa mouth-to-mouth resuscitation subalit binawian din ng buhay.
Base sa nakuhang impormasyon ng pulisya sa lugar, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-9:00 ng gabi habang nakaistambay sa lugar at nakaupo sa pampang at mukhang nakainom ng alak.
Nakuha rin sa bulsa ng biktima ang halagang P90.
- Latest