^

Metro

Super Health Centers, ikakalat sa Taguig

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Para pagkalooban ng libre, mabilis at epektibong serbisyong medikal ang mga matataong ba­rangay, tatlo pang Super Health Center ang itatayo sa iba’t ibang ba­­rangay sa lungsod ng Taguig 24 oras.

Sa ngayon, isang palapag na Super Health Center ang nasa Brgy. Ligid-Tipas isa pang nakatakdang  pasinayaan sa North Signal Village sa anibersaryo ng Taguig sa April 20.

Ang tatlo pang mga susunod na Super Health Center, na pinondohan ng P5-milyon ba­wa’t isa, ay magkakaroon ng apat na palapag tulad ng katatapos na building sa North Signal at itatayo sa taong ito sa Brgy. Central Bicutan, North Daanghari, at San Miguel upang ibayong mapaglingkuran ang mga residente ng Ta­guig.

Ang proyektong ito ng administrasyong Ca­ye­ tano ay naglalayong i-decongest ang Taguig Pateros District Hospital (TPDH). Ang mas kumpli­kado at kritikal na mga kaso ay tuluyan ng ipinauubaya sa TPDH.

Magsisilbi ang Super Health Center na maliit (mini) na ospital dahil bukod sa bukas ito 24-oras ay angkop din ang mga kagamitan at pasilidad nito para sa iba’t ibang panganga­ila­ngang medikal tulad ng labora­toryo, dental services, breast­feeding services, lying-in o pa­ nganganak at ambulansiya. Hindi na rin kaila­ngan pa ang card para makakuha ng serbisyo at atensiyong medikal.

Naniniwala si Mayor Lani Cayetano na ang mamamayang pinanga­ngalagaan ang kalusu­gan ay magiging mas pro­duktibo at magkakaroon ng mas mataas na antas ng pamumuhay.

BRGY

CENTRAL BICUTAN

MAYOR LANI CAYETANO

NORTH DAANGHARI

NORTH SIGNAL

NORTH SIGNAL VILLAGE

SAN MIGUEL

SHY

SUPER HEALTH CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with